Sunday, July 17, 2011

Panaginip

"Napanaginipan kita. Ang ganda ng office pero hindi dito, tapos puro foreigners kasama mo."


Ang unang pumasok sa isip ko noon "Ah, baka magte-training ako abroad". Hindi ko nakalimutan ang panaginip ni Abby, dati kong kasama sa Shell. Nakakatuwa isipin na pagkalipas ng ilang taon, at sino ang mag-aakala, na ito ay magkakatotoo. Yun nga lang, ako ang banyaga at hindi ang mgakasama ko :-)


=======================================


Nagising ako sa kaluskos ng mga ibon sa may bubungan. Tinignan ko ang oras at nang makita kong maaga pa, pinikit ko muli ang mga mata ko. Maya maya ay may naririnig ako mula sa labas na nagsasalita ng ingles. Sandali akong napa-isip at nagtaka. Pagkalipas ng ilang minuto, napagtanto ko na hindi ito isang panaginip. Oo nga pala, nasa Australia ako :-)

No comments:

Post a Comment