Sunday, October 23, 2011

Maraming Salamat

..sa paghihintay mo sa 'kin tuwing uuwi ako galing ng trabaho. Kwento sa 'kin ni mama hinihintay mo pa rin daw ang pag-uwi ko. Sa bawat taxi raw na humihinto sa tapat ng bahay, tinitignan mo kung sino ang bababa sa pag-asa na makikita mo ako.

..sa paggising mo sa akin tuwing umaga. Maaga pa lang kumakatok ka na sa bahay, aakyat papunta sa kwarto ko. Alam ko nahihiya ka pumasok kaya uupo ka lang sa tapat ng pinto at babatiin ako. Hindi ka titigil hangga't hindi ako gumigising at nagsasabi ng "good morning louie". At kapag narinig mo na ang boses ko, bababa ka na at matutulog.

..higit sa lahat, sa saya na dulot mo sa akin habang ako ay naghihintay. At sa aming pamilya, na kahit ikaw ay masungit, ikaw pa rin ang aming "apple of the eye".

Sana alam mo na sa bawat tawag at text ko kila mama, lagi kitang kinukumusta. Excited ako na isuot mo yung bling-bling at gamitin ang kainan na binili ko para sayo. Sinama ko yun sa balikbayan box na pinadala namin.

Excited din ako na makita ka muli..

Ngunit hindi mo na ko nahintay.

Mamimiss kita, Louie..



teary eyed.

No comments:

Post a Comment