naghanap ako ng masisilungan. kailangan ng pagal kong mga paa ng sandaling pahinga. malayo layo na rin ang aking nalakbay. salamat sa puno na malaya akong pinapatuloy upang makahinga at sumagap ng sariwang hangin. naupo ako at sumandal sa kanyang matatag na mga punong-kahoy na sinubok ng iba't ibang panahon. maginhawa sa pakiramdam. inuugoy ako ng hangin na nagmumula sa kanyang mga dahon. inilabas ko ang aking bitbit na tinapay at tubig. paunti-unti kong kinain ang tinapay at ininom ang tubig upang mapawi ang aking gutom at uhaw.
ito ang nagbibigay sa akin ng lakas upang magpatuloy sa aking paglalakbay.
No comments:
Post a Comment