Wednesday, September 1, 2010

Hindi ako makatulog..

dahil sa mga tanong na tumatakbo sa utak ko.

bakit minsan nagsasabay umulan at umaraw? bakit kahit na magkasukat kayo ng paa, kapag sinuot mo ang sapatos ng iba, hindi pa rin kumportable? bakit ang pusa kahit hindi marunong ngumiti, nakakatuwa? bakit iba ang dating kapag may takong ang sapatos? wala pa kong nakikitang langgam na namamahinga, hindi ba sila napapagod? bakit ang dalawang mata hindi maaari magka-iba ang tinitignan? at kung pareho lang, bakit dalawa?....at marami pang bakit...

sa bawat katanungan ay mayroong kahulugan. at sa bawat bakit ay may kasagutan ngunit hindi lahat ay mayroon ng kaganapan. hanggang ngayon, may mga katanungan sa isip ko na hindi ko alam kung paano itatanong. minsan may mga tanong na mas mabuting manatili na lamang na isang tanong.

No comments:

Post a Comment