sinamahan ko si mama kanina para bumili ng salamin sa mata. nawala kasi ung salamin nya ng binisita nila si lola sa himlayang pilipino. sakto naman na hindi ko pa nare-reimburse ang optical allowance namin sa opisina. kaya naghanap kami ng salamin (kasama ang lente) na magkakasya sa halagang tatlong libong piso. meron sya nagustuhan, halos ayaw nya ito bitawan. kaya lang ang presyo nito ay 6,700. meron 20% discount kaya 5,300 na lang. alam nya ang aming "budget" kaya nahihiya sya magsabi sa akin ng "la, gusto ko to." naghanap pa ng ibang salamin ang nag-aassist sa amin, meron naman na sakto lang sa budget pero sa reaksyon ng nanay ko hindi nya ito gusto at paulit-ulit nyang sinukat ang salamin na tig-6700. tinanong ko sya, "gusto mo yan ma?" ngumiti lang sya sa akin. sabi ko, "miss, eto na po kukunin namin." abot tenga ang ngiti ni mama. ang sarap sa pakiramdam makita ang mga ngiting iyon. alam ko naghihigpit kami ngayon ng sinturon ngunit makita ko lang na masaya si mama, sapat na iyon sa akin. kikitain ko naman ang sobra sa budget na 2,900 (kasama ang presyo ng lente). isang oras pa ang hihintayin namin bago makuha ang salamin kaya niyaya ko sya na magikot-ikot muna sa mall. pagkalabas namin ng optical shop, hinawakan nya ang kamay ko at sinabi, "anong gusto mo anak kainin, iti-treat kita." napangiti ako. alam ko na ang pera nya ay sapat lamang na pambili ng pagkain sa bahay. "hindi na, ma", ngumiti ako sabay akay sa kanya (hirap pa rin kasi sya maglakad)..mahal na mahal kita, ma! lahat para sayo..
naalala ko, noong isang linggo, pagkauwi ko galing sa trabaho (mga ala-una ng umaga), tinabihan ko si mama na natutulog at bumulong "ma, gusto ko ng champorado." naalimpungatan sya, ngumiti at mayroon sinabi. hindi ko masyado naintindihan, parang tungkol sa tsokolate para sa champorado. pagkatapos ay bumalik sya sa kanyang tulog at ako naman ay umakyat na sa aking kwarto..nang pagkauwi ko uli kinabukasan, meron ng nakahandang champorado sa aming hapag kainan :-) the best ka talaga, ma!
bago kami bumalik ng shop, bumili kami ng cake para kay kuya mac (kaarawan nya kasi noong biyernes, ngayon lang kami nakabili).
halos buong araw ay nasa kwarto lang ako. napansin siguro ni kuya ruel kaya pinuntahan ako at nagtanong "ok ka lang, la? kumain ka na?"..salamat kuya!!
mahal na mahal ko kayo!! wala man tayong sapat na yaman pero nagpapasalamat ako na kayo ang aking pamilya. kayo ang aking tanging yaman..
No comments:
Post a Comment